BATAYANG KONSEPTWAL NG FILIPINO
( Deskripsyon )
Tunguhin ng Kurikulum ng Edukasyong Sekondari ng 2010 (Secondary Education Curriculum) ang Kapakipakinabang na Literasi para sa Lahat
(Functional Literacy For All ) na ibinatay sa mithiing Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015).
Kaugnay nito, layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo, at (2) kahusayan sa pag-unawa at pagpapahalagang literari
ng mga mag-aaral sa lebel sekondari. Lilinangin ang limang makrong kasanayan - pakikinig, pagbasa, panonood, pagsasalita at pagsulat sa tulong ng iba’t ibang
dulog at pamamaraan tulad ng Komunikatibong Pagtuturo ng Wika (KPW), Pagtuturong Batay sa Nilalaman (PBN) ng iba’t ibang tekstong literari(rehiyunal,
pambansa, saling-tekstong Asyano at pandaigdig), at Pagsasanib ng Gramatika at Retorika sa Tulong ng Iba’t ibang Teksto (PGRT).
Isinasaalang-alang din ang pagsasanib ng mga pagpapahalagang pangkatauhan (Values Integration) sa pag-aaral at pagsusuri ng iba’t ibang tekstong literari.
Sa pamamagitan nito at matapos mapag-aralan, masuri at magamit ang iba’t ibang teorya sa pagkatuto at paggamit ng wika, at pagsusuring literari,
inaasahang matatamo ng mga guro ng Filipino ang mga layuning nabanggit batay sa inilarawan sa batayang konseptwal.
Ang Konteksto/Kaligiran
Kalimitan, ang pagpapalit o pagbabago ng kurikulum sa Pilipinas ay isinasagawa tuwing ikasampung taon. Ngunit bunga ng mabilis
na pagbabago sa larangan ng edukasyon at patuloy na paglaganap ng mga makabagong kaalaman at impormasyon, naniniwala ang Kawanihan
ng Edukasyong Sekondari na dapat nang isaayos ang kasalukuyang kurikulum upang sa gayo’y makaagapay at matugunan nito
ang mga pangangailangan ng ating lipunan at ng mga mag-aaral ng kasalukuyang panahon.
Naging batayan sa pagsasaayos ng kurikulum ang mithiin ng Edukasyon para sa Lahat 2015 (Education For All 2015) - ang magkaroon
ng Kapakipakinabang na Literasi ang Lahat (Functional Literacy For All). Tiniyak na ang mga binuong pamantayan, kakailanganing pag-unawa
at nilalaman ng bawat asignatura ay makapag-aambag sa pagtatamo ng nasabing mithiin.
Isinaalang-alang din ang resulta ng ginawang ebalwasyon ng implementasyon ng Kurikulum ng Batayang Edukasyon ng 2002
(2002 Basic Education Curriculum) sa pagsasaayos at pagdisenyo ng bagong kurikulum, gayundin sa ginawang pagsasanay ng mga guro
at pagpapaunlad ng kakayahan ng mga punong-guro ng 23 pilot schools upang mahusay nilang mapamahalaan ang panimulang pagsubok
(pilot testing) ng binagong kurikulum.
Slots & Casinos - Mapyro
TumugonBurahinThe 아산 출장안마 Slots 상주 출장마사지 and Casinos. 여주 출장마사지 Casino Directory of Casinos 평택 출장마사지 in 광주광역 출장샵 Las Vegas, NV. Use the search bar to get more specific information.