Martes, Marso 8, 2011

ang kagamitang pampagtuturo

Isang ulat-papel na ipinapasa kay Dr. Jane K. Lartec sa PhLEd 314: Special Topics in Language ni JENEFER C. TIONGAN



I. PANIMULA: 
                            Ang aming paksang tatalakayin ngayon  ay  tungkol sa Developing Instructional Materials in Language Teaching  o Paghahanda ng  Kagamitang Pampagtuturo sa Wika. Tatalakayin namin ang mga pananaw ng pagtuturo ng wika  ayon sa mga Behaviorist at sa mga  makabagong pananaw ,  mga modelo ng pagtuturo ng wika. ang kahalagahan ng Kagamitang Pampagtuturo, mga salik sa paghahanda ng kagamitan , mga modelong disenyo ng kagamitang  pampagtuturo ng wika, at mga isyu tungkol sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo.
                            Sa mga nakaraang dekada, nagsimulang  nagkaroon ng ibayong pansin sa pangangailangan ng mga kagamitang panturo bilang pagsasaalang-alang sa kapakanan ng mga mag-aaral at upang magkaroon ng makahulugan at mabisang pagtuturo at pagkatuto. Sa  punto ng mga tradisyunal na pag-iisip, ang kagamitang panturo ay binubuo ayon sa paniniwala na sa pagtuturo dapat magsimula sa malinaw na layunin at pagtataya upang  mataya kung balido ang layunin, nilalaman, at pagkatuto  ng mga mag-aaral. Samakatuwid, ang pagtuturo noon  ay nakatuon lamang sa ANO ang ituturo at PAANO ituturo. Nakatuon pa rin ang pagtuturo sa mga tuntuning pangwika. Ito ay umaayon sa teorya ng mga “Behaviorist Psychology of Learning,”  na ang paniniwala sa pagtuturo  at pagkatuto ng wika ay “habit formation” na binubuo ng stimulus at response.
                           Sa bagong pananaw sa pagtuturo ng wika, nakatuong higit ang pansin sa pagkalinang ng kakayahang  komunikatibo  kaysa sa kabatiran tungkol sa wika. Ang kakayahang komunikatibo ay nauukol sa kakayahan sa aktwal na paggamit ng wika sa mga tiyak na pagkakataon.
                           Sa puntong ito, hindi natin makalilimutan ang ipinaliwanag ni Chomsky  na pagkakaiba ng  COMPETENCE  at PERFORMANCE. Ayon sa kanya, ang COMPETENCE ay nauukol sa kaalaman sa wika ng isang tao, samantalang ang PERFORMANCE ay ang kakayahang gamitin ang wika sa angkop na paggagamitan.
                          Samantala, pinaunlad naman nina Canale at Swain (1980) ang kakayahang komunikatibo ni Chomsky. Para raw masabi na ang isang tao ay may kakayahang komunikatibo sa isang wika kailangang tinataglay niya ang apat na elemento; linguistic o grammatical competence, socio-linguistic competence, discourse competence, at strategic competence.  Ang linguistic competence ay kakayahang umunawa at makabuo ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa tuntunin ng gramatika. Sa batayang ito, ipinakikita ng isang tao ang kanyang kahusayan sa paglalapat ng tuntunin ng  wika. Ikalawa, ang sociolinguistic competence ay isang batayang interdisciplinary. Isinasaalang-alang ng isang tao ang ugnayan ng mga nag-uusap, ang impormasyong pinag-uusapan, at ang lugar  ng kanilang pinag-uusapan. Isinasaalang-alang dito ang  kontekstong sosyal ng isang wika.  Ang ikatlo, ang discourse competence ay kakayahang bigyan ng interpretasyon ang isang serye ng mga napakinggang pangungusap upang makagawa ng isang makabuluhang kahulugan. Ang tagumpay ng pag-unawa sa isang diskurso ay sang-ayon sa kaalamang taglay kapwa  ng nag-uusap, “world knowledge” ng mga nag-uusap  at maging ng kaalamang lingwistika, istruktura at diskurso, at kaalaman sa social setting. Ang panghuling elemento na strategic competence ay tumutukoy sa mga estratehiya na ginagawa ng isang tao upang matakpan ang mga imperpektong kaalaman  natin sa wika.
                              Ipinakita rin ni Dell Hymes (Sining ng Komunikasyong                         Filipino:Ikatlong Edisyon,2010) sa binuo niyang akronim na SPEAKING ang kakayahang komunikatibo at ang mahalagang salik na sosyokultural at iba’t ibang sangkap na dapat isaalang-alang sa pagkakaroon ng epektibong pagpapahayag.

S-ettings                           (Saan-Lunan kung saan nag-uusap)
P-articipants                     (Sinu-sino ang mga kausap o nag-uusap)
E-nds                                (Ano ang layunin sa pag-uusap)
A-ct Sequence                  (Paano ang takbo ng usapin)
K-eys                                (Pormal o di-pormal ang takbo  ng usapan)
I-nstrumentalities              ( Pasalita ba o di-pasalita)
N-ouns                              ( Ano ang paksa  ng pinag-uusapan)
G-enre                               (Nagsasalaysay, nakikipagtalo o nagmamatuwid)

                             Ano ngayon ang kaugnayan ng mga pananaw  na nabanggit sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo sa wika?
                             Sa pagtuturo ng wika, dapat nating isaalang-alang ang mga apat na mahahalagang elemento o komponent: (1) mag-aaral, (2) guro, (3) metodo sa pagtuturo, (4) at pagtataya o ebalwasyon.  Samakatuwid , ganun din dapat sa paghahanda ng kagamitang pampagtuturo. Ano ba ang papel ng kagamitang pampagtuturo sa ating pagtuturo at pagkatuto ng wika?
                             Ayon kay Alwright (1990), ang mga kagamitan ay komokontrol sa  pagtuturo at pagkatuto. Ang mga ito”y dapat na   katulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral, ito ay  magsisilbing  pagmumulan ng mga ideya at mga gawain para sa  pagtuturo at pagkatuto (resource of ideas and activities for instruction and learning), at magsisilbing batayan o gabay ng guro  sa mga gawain.Ayon naman kay Kitao, K. (1995) sa kanyang papel na binuo tungkol sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo, iginuhit niya ang ilustrasyon na ganito:
                           

3 (na) mga komento:

  1. Sa panahon ngayon, kailangang madebelop sa isang indibidwal ang mga nabanggit na kakayahan upang makamit natin ang layunin ng edukasyon MAGING MAHUSAY NA KOMYUNIKEYTOR AT KAPAKIPAKINABANG NA INDIBIDWAL dahil nagagamit ang wika sa lahat ng elemento.

    TumugonBurahin
  2. ano po ba ang mga kagamitan sa pagtuturo na lahat2x na makikita?

    TumugonBurahin